yokoramos

A chic blogger about life, thoughts and the environment.

Wednesday, September 01, 2010

For the Filipino migrants in Greece

Para sa mga Filipino na nasa Greece
Ni: Yoko Ramos-Vingno

Naiulat ni Theori Skarlatos sa pahayagang Athens News nuong Agosto 27 mula sa kanyang pagsasaliksik, na ang mga migrants dito sa Greece ay magkakaroon na ng pagkakataong bumoto sa nalalapit na halalan.
Ang pamahalaan ng Greece ay unti unti nang kinikilala ang mga kontribusyon ng mga immigrants sa lipunan kanilang ginagalawan at pinagsisilbihan. Sila ay mabibigyan na ng pagkakataon na pumili ng mga magiging pinuno ng bansa magkaroon ng boses sa lipunan at makilahok sa paghubog ng pang political/social na pamumuhay. Inadopt ng European Council ang batas mula sa “Convention on the Participation of Foreigners in Public Life at Local Level in 1997” kung saan ang mga migrants na may lima (5) taong legal na paninirahan at pamumuhay ay mabibigyan ng karapatan ng na bumoto at maki-isa sa pang lokal na halalan sa ilalim ng hurisdiksyon ng EU.
Ayon sa bagong pasang batas ng Greece, ang mga legal na naninirahan na may limang taon at mahigit pa at mayroong tamang residence permit ay maaaring magpatala upang makaboto. Ang mga mamamayan ng EU members ay nangangailangan ng registration certificate samantalang ang mga mamamayan na hindi EU member (katulad ng Pilipinas) ay mangangailangan ng lima hanggang 10 taon na residence permit.
Ang proseso na ito ay hindi madali at napakaraming suliranin ang haharapin bago makakuha ng prebelehiyong ito. Si Georgina Bessis, ipinanganak sa UK na nanirahan ng mahigit na tatlumpung (30) taon sa Saronic Gulf island, ay naniniwalang ang isa sa mga kadahilanan kung bakit marami sa mga immigrants ang hindi nakakaalam na maari na silang bumoto ay dahil sa ang mga literature o mga babasahin na tumatalakay sa nasabing usapin ay nasa lenguaheng Greek. Pati ang form o mga papeles na kailangang sagutan ay nasa Greek din. Dahil dito, si Bessis ay gumugol ng maraming panahon at oras at pera upang maisalin sa wikang naiintindihan ng kanyang mga kababayan ang mga importanteng impormasyon upang malaman nila ang mga bagay na ito nang sa gayun ay makapagpasiya sila kung nais nilang makilahok o hindi sa nasabing halalan.
Ang ating kababayan na si Imelda Garcia ay isa sa maraming migrants na nabigyan ng pagkakataon na makaboto sa nalalapit na halalan sa Nobyembre 7. Siya ay may 20 years na naninirahan dito. Isang garment worker sa Kos (isang lugar dito sa Greece) nuong araw si Imelda ngunit ngayon ay nasa domestic work na siya. Kasama ni Imelda ang kanyang anak na nag aaral dito. Lubha niyang ikinatutuwa ang bagong batas na ito ng Greece na kung saan kinikilala ang mga karapatan ng isang migrant worker tulad niya.
Ang Kasapi Hellas ay isang Filipino organization na itinatag ni G. Joe Valencia nuong 1984. Siya din ang president at tagapagsalita ng grupo. Masigasig na ipinaglalaban ni G. Valencia ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino na mabigyan ng patas na pribelehiyo dito sa Greece kung saan nakakatulong sila sa ekonomiya ng bansa. Isa si Imelda sa mga tinulungan ni G. Valencia na naisaayos ang mga papeles para sa pagrehistro. Ang iba naman ay tinutulungan niyang makakuha ng residence permits. Dahil sa ang karamihan ng Pinoy dito sa Greece na halos tatlumpung (30) taon na naninirahan ay nabibigyan lamang ng dalawang (2) taong residence permit samantalang ginugol na nila ang kanilang maraming panahon sa pagtatrabaho sa bansang ito.
Ang Prime Minister ngayon na si George Papandreou lamang ang kauna-unahang pinuno ng Greece na kumilala sa mga immigrants na mula sa iba’t ibang lahi. Hinikayat niya ang mga ito na sumali sa kanyang partido – ang PASOK – upang maging ganap ang kanilang pagpasok sa lipunan ng Greece nuong 2005. Ito rin ang nagbigay daan upang sila ay lalong kilalanin ng gobyerno kung kaya’t ngayon nga ay kabilang na sila sa mga botante na kung saan kasali na sila sa pagpili ng mga magiging pinuno ng pamahalaang municipal at local ng bansa.
Ang Interior Minister na si Yiannis Ragousis ay naniniwalang ang hakbang na ito ni PM Papandreou na bigyan nang pagkakataon ang mga immigrants na bumoto sa nalalapit na halalan ay napakalaking kontribyusyon tungo sa pagbabago. Ayon sa talaan ng interior ministry, mahigit labing isang libo katao (11,000) ang nagpatala sa kanila upang makilahok sa nalalapit na municipal at regional na halalan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home