yokoramos

A chic blogger about life, thoughts and the environment.

Monday, March 07, 2011

International Women's Day/Pangdaigdigang Araw ng Kababaihan

March 8, International Women’s Day

Ngayong ika-8 ng Marso, ang buong mundo ay nagbibigay pugay sa lahat ng kababaihan--kinikilala ang kanyang karapatan at kagalingan sa larangan ng ekonomiya, lipunan at pamilya.

Ika-isang daang taon na ang pagdiriwang na ito, mula 1911 hanggang ngayong 2011 magkakaiba man ang lahi, kulay at relihiyon, ang International Women’s Day/Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay sama-sama at sabay-sabay na nagbubunyi sa kalayaan at karapatang patuloy na ipinaglalaban upang makamit ang pantay na pagtingin sa karapatan ng mga kababaihan sa edukasyon, trabaho at sa lipunan. Hangad nito na wakasan na ang diskriminasyong mula sa mundo at sa lipunan na mga kalalakihan ang nananaig.
Hindi maikakaila na ang mga kababaihan sa buong mundo ay bihag pa rin ng kulturang panig sa kalalakihan, mayroon pa ring diskriminasyon -- kahit na sa kasalukuyan ay humahawak na ng mga importanteng posisyon sa trabaho, mataas na katungkulan at estado sa lipunan ang mga kababaihan. Mas tinatanggap rin sa trabaho ang mga kalalakihan dahil kakailanganin pang magbigay ng maternal leave at benefits ang kumpanya kapag babae ang kinuha.
Malayo man ito sa simpleng buhay ng ating mga ninunong mga babae noong araw kung saan pinagkaitan sila ng edukasyon, walang karapatang mag-ari ng mga ari-arian at hindi maaring bumoto dahil sa sila ay ipinanganak na babae. Sadyang napakahalaga ng pagkakaroon ng edukasyon, hindi lamang ng mga kababaihan, kundi lahat ng mamamayan, dahil ito ang magmumulat at magbibigay ng kapangyarihan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. At dahil sa ipinakitang katatagan ng mga kababaihan at ang kanilang sama-samang pagkilos ay nakamit nila ang tagumpay na kanilang hinangad at ngayon ay ating nararanasan.

Sa araw na ito, malugod akong bumabati sa lahat ng kababaihan ng isang masaya at mapagpalayang araw para sa ating lahat. Mabuhay ang kababaihan!

Labels: , , , , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home